Ipinangakong mas maraming jabs para sa Setyembre, dumating nga gaya ng sinabi niya!

Gaya ng naipangako ni Cabinet Secretary Karlo Nograles noong Agosto na pagdating ng dagdag vaccines mula sa Moderna, Pfizer, at Sinovac, dumating na nga ito ngayong Setyembre!

Sunod-sunod na ang pagdagsa ng doses mula sa mga nabanggit na brand ngayong buwan at tuloy-tuloy na ang pagbabahagi nito sa mga probinsya’t siyudad sa labas ng Metro Manila na nagtatala rin ng malaking bilang ng COVID-19 cases.

Mayroong 40 Million jabs mula Pfizer at 20 Million doses galing Moderna ang order ng gobyerno mula sa mga nabanggit na kompanya at ngayong nasimulan na ang delivery ng mga ito’y tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga ito.

Pahayag pa ni Nograles noong Agosto na, “I assume by September tapos na ng Sinovac in their deliveries and sasabay na rin ang deliveries ng Pfizer and Moderna, then it will ramp up from then all the way to December.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.