Ipinangako ni Moreno na wawakasan na ang pagkakahiwa-hiwalay at kawalang-katiyakan kapag ito ay naupo sa posisyon sa susunod na taon!

Isinusulong ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na wawakasan niya ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga mamamayan ng bansa at kawalang-katiyakan ng patutunguhan kapag ito ay mananalo sa paparating na halalan sa May 2022. Matapos maghain ng COC, ibinahagi niya na ang lahat ay kailangang magkaisa para sa kapakanan ng mga Pilipino at sa kaunlaran ng bansa.

Ipinahayag ni Moreno na isasantabi niya ang kaibahan ng bawat isa at handa siyang makipagtrabaho at makigtulungan sa sinumang nais na maging bahagi ng kanilang kampanya upang matugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga tao.

Ani pa niya, “In my own little way, lahat ng oras, lakas ng pangangatawan na aking tanging puhunan, ibubuhos kong kayo’y mapaglingkuran, maibsan ko lamang ang inyong dinaranas. Mga kababayan, ako po ay kaisa ninyo upang pigilan na ang pagkakahati-hati natin bilang mamamayan.”

Itinataguyod ni Moreno na magkaisa ang lahat tungo sa kaunlaran ng bansa at para narin sa kapakanan ng bawat Pilipino. Ang pagkakahati-hati sa kasalukuyan ay hindi lang tanyag sa mga mamamayan, ngunit pati na rin sa mga lider. Kaya naman handa at bukas si Moreno na isantabi muna ang pagkakaiba katulad ng political color at magkaisa na pagbutihin at paunlarin ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *