Ipinangako ni Moreno na magtatatag siya ng mga short-term at long-term na solusyon upang mapaunlad ang pamumuhay ng mga tao.

Ipinangako ni Presidential aspirant at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isang town hall meeting sa Santa Fe, Nueva Vizcaya, na uunahin niya ang pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. “Buhay at kabuhayan, iyan ang pangako namin sa inyong lahat.” pahayag ni Moreno.

Kabilang sa lagpas isang libong taong dumalo sa pagpupulong ay ang mga lokal na opisyales sa 15 munisipalidad ng probinsya na pinangunahan nina Santa Fe Mayor Tidong Benito at former Mayor Teodorico Padilla Jr., religious leaders sa mga iba’t-ibang mga sektor, mga pinuno ng mga indigenous groups sa probinsya, iba’t-ibang grupo na galing sa probinsya ng Nueva Ecija, Quirino, Isabela, at Ifugao, representatives ng Isko Northern Alliance (INA), maging ang mga rebel returnees.

Ipinabatid naman ni Moreno na kung saka-sakaling siya’y mahirang bilang pangulo sa darating na halalan, sisiguraduhin niyang mabibigyan ng mga short-term at long-term na solusyon para sa mga pangunahing suliranin ng bansa. Kabilang sa kanyang plano ay ang pagbabawas ng 50% sa mga buwis sa oil products at electricity, pagpapatayo ng mga ospital, building at mga pabahay para sa mahihirap, at pagpapalago ng mga medium, small, and mirco enterprises (MSMEs) upang makapagbigay ng mga job opportunities sa mga tao.

Samantala, nagsagawa naman ng isang ritwal, na pinamunuan ni Mayor Benito at ng mga Council of Elders ng Kalanguyas, upang iparating kay Moreno ang mainit na pagtanggap at pakikitungo ng mga Kalanguya at mga taga Santa Fe. Humingi rin sila ng biyaya galing sa kanilang Supreme Being upang basbasan ang political journey at pamumuno ni Moreno.

Talaga namang malaki ang paniniwala ng mga tao sa kakayahan at galing ni Moreno bilang isang pinuno. Sinisiguro ni Moreno na magiging prioridad niya ang kapakanan at kalagayan ng bawat tao. Sa kanyang panunungkulan, walang tao ang maiiwan sapagkat bibigyan niya ng boses ang lahat. Layunin niyang suportahan at paunlarin ang pamumuhay ng bawat tao sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *