Ipinalawig ni Risa Hontiveros ang schedule ng voter’s registration sa NCR upang mabigyan pa ng oras ang mga tao na magparehistro.

Tuluyang napalawig ni Ana Theresia “Risa” Hontiveros ang oras ng voter’s registration sa ilang lugar sa NCR, sa kabila ng nalalapit na pagtatapos nito. Naaprubahan ng Comelec na magmula Oktubre 16 hanggang Oktubre 30, tatanggap ang ilang mga munisipalidad at lungsod ng mga magpaparehistro magmula 8am ng umaga hanggang 7pm ng gabi.

Pinayagan din ng Comelec na magsagawa ang mga munisipalidad at lungsod ng Saturday registration na may schedule na 8am ng umaga hanggang 5pm ng hapon. Sa huling araw nito ay magkakaroon rin ng nationwide Saturday registration.

Layunin ni Hontiveros na bigyan ng sapat na oras ang mga tao sa panahon ng pandemya upang magparehistro bago magsara ito. Hinihikayat niya ang lahat ng tao na pagsamantalahan ang pagpapalawig na ito upang lumahok sa voter’s registration.

Pinapakiusapan ang mga tao, lalong-lalo na ang mga first-time voters at mga kabataan, na gamitin ang kanilang karapatan upang pumili ng karapat-dapat na mga pinuno. Importante ang boto ng bawat isa sapagkat ang lahat ng ito ay may bilang sa balota. Ipinaparating ni Hontiveros na nais niyang mabigyan ng pagkakataon na mamili ng pinuno na magsisilbi para sakanila at sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *