Ipinahayag ni Moreno na magiging prayoridad niya ang pangkabuhayan at kalusugan ng mga tao.
Binigyang-pugay si Aksyon Demokratiko Presidential bet at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng mga negosyante at miyembro ng kooperatiba ng Cebu matapos ang kanyang pagdalo sa pagpupulong sa meeting hall ng Cebu CFI Cooperative. Kabilang rin sa mga dumalo sa pagpupuling ay ang mga 50 katawan ng iba’t-ibang kooperatiba sa buong bansa.
Pinarangalan ni Moreno ang mga opisyal at miyembro ng Cebu CFI Cooperative sa kanilang mahusay na pagserbisyo at pagpapaunlad sa mga negosyo, edukasyon, at health services. Ang kooperatibang ito ay ang ikalawang pinakamalaking kooperatiba sa buong bansa.
Namangha naman si Moreno sa istorya at katatagan ng kooperatiba. Aniya pa ni Moreno, “I was inspired by your story and your perseverance so that things can be changed. Things can be done. Napapalapit ako sa CFI dahil nung tinatag ito, almost galing sa wala. Pero dahil sa pagpupursige, ngayon, 150k members na,” he said.
“Ako, galing din ako sa wala. Kaya ako naka relate sa mga istorya niyo. Totoo pala talaga na kahit galing ka sa wala kapag nagsikap ka, wag kang susuko, may awa ang Diyos, makakaraos ka. Kayo ngayon, ilang libong mga tao ang binabago nyo ang buhay,” dagdag pa niya.
Samantala, isinisiguro naman ni Moreno na gagawin niyang prioridad ang pagsasagawa ng mga pangkalusugan at pangkabuhayang programa para sa bansa. Pahayag pa niya, “Ang regalo ko sa tao, kapag naupo ako sa pamahalaan, ginagawa ko ang trabaho ko.”