Ipinaglaban ni Moreno ang mga karapatan ng mga 4Ps benepisaryo sa pagtanggap ng ayuda.

Tinutulan ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang ‘no vaccine, no subsidy’ policy proposal ng Department of Interior and Local Governement (DILG) para sa mga 4Ps benepisaryo. Ipinarating niyang hindi nito napupunan ang kanilang layunin na tulungan at suportahan ang mga taong mahihirap at nangangailangan.

Pahayag ni Moreno, “The concept of ayuda and 4Ps is to alleviate yung buhay ng tao and you cannot penalize somebody because ayaw nila magpabakuna. Di natin sila bibigyan ng ayuda? It defeats the purpose of government to help the poorest of the poor,”

Dagdag pa rito, ipinabatid ng DSWD na wala ring batas na ipinatupad na nagsasabing kinakailangan na magpabakuna ng mga benepisaryo ng 4Ps program.

Sa halip na magpataw ng mga parusa, ipinahayag ni Moreno na nararapat na magpokus sa pagpapalawak ng mga vaccination programs sa bansa.

“Ano bang uri tayo ng gobyerno? Puro tayo penalty. Bakit puro nalang pahirap sa tao instead of understanding the people?” Ani ni Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *