Ipinagbabawal ng pulis ang mga couples magpakita ng PDA dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa
Pinagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang mga magkasintahan, magkakaibigan, at pamilya na magpakita ng Public Display of Affection (PDA) dahil sa nangyayaring spike sa COVID-19 cases.
Ani ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana na kung makakakita sila ng PDA, mayroong direktiba ang mga pulis na sawayin sila.
Ang PDA ay nagsasaklaw sa kissing in public, holding hands, at ang pagyakap sa isa’t isa.