Ipinag-utos nito ang transfer ng 11 officials sa bagong mga posisyon!
Ipinag-utos ng bagong Philippine National Police (PNP) chief na si Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang reshuffling ng mga key positions sa loob ng ahensya. Pinakahuling aksyon nito ay ang transfer ng 11 police officials sa kanya-kanya nilang bagong posisyon.
Kasali rito ang dating Southern Police District director PBGen. Eliseo Cruz, na ngayo’y bahong director ng Police Regional Office 4A.
Habang si PBGen. Felipe Natividad ay inilipat mula PRO 4A papunta sa Special Action Force.
Si PBGen. Nelson Bondoc ng Northern Police District ay pinangalanang bagong director ng PRO 4B.
Ang pagbabagong ito ay nangyari ilang araw lamang matapos ang pagkakaupo ni Eleazar sa bagong posisyon.
Si Eleazar ang ika-anim na PNP chief sa ilalim ng administrasyong Duterte, at magsisilbi bilang head ng 220k+ policemen ng anim na buwan bago ito maging 56, ang mandatory retirement age ng ahensya.