Ipinaalam ni Nograles ang eksaktong bilang ng mga indibiduwal na nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Malugod na ibinalita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang online briefing noong ika-4 ng Marso ang eksaktong bilang ng mga nabakunahan na laban sa COVID-19. Mayroong 8,559 na kataong nakatanggap ng unang round ng mga bakunang gawa ng Sinovac ng China.
Diumano, sa 600,000 na doses na natanggap mula sa China, tinatayang 189,600 na ang naipadala sa vaccination centers ng bansa.
“We acknowledge that some countrymen still have reservations receiving the vaccines, but we believe that our kababayan should take their cue from the doctors, nurses, and medical personnel who have received the first doses of the vaccine,” ani ni Nograles.
Ayon naman kay Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na kinikinita ng gobyerno na mabakunahan lahat ng health workers ng bansa sa loob ng Marso.