Ipinaalam ng Palasyo na ang pagbabakuna kontra Covid-19 ng Pangulo ay isasapubliko
Isasapubliko na ng Pangulong Duterte ang pambabakunang gagawin niya laban Covid-19, upang mabigyan na rin ng reassurance at confidence ang publiko sa seguridad nito.
Ani pa ni Palace spokesman Harry Roque, “I think the President has said he will now have himself vaccinated publicly. He only has to announce when it will be done.”
Idinagdag nito na, “That’s in recognition of the fact na naghihintay ng senyales ang taong bayan kung talaga sila’y magpapabakuna o hindi. I think that is a policy that we will now pursue.”
Noong nakaraang buwan lamang nag-anunsyo si Roque na hindi isasapubliko ng Pangulo ang pambabakuna nito dahil ito’y tuturukan sa pwet, at hindi rin ipinaalam kung ano ang brand na itatarak dito.
Ipinahayag ng Presidente mismo na mas gusto niyang mabakunahan ng galing Russia o China dahil naniniwala itong ang mga drug groups of the West ay nag-proprofit lamang sa COVID-19 Pandemic.
Ang 75-years old nating Pangulo ay mayroong underlying health issues, at kabilang sa grupo na vulnerable of developing severe symptoms when struck with COVID-19.