Ipinaalam ng kampo ng dating pangulo na si Joseph Estrada na ito ay diagnosed bilang positibo sa COVID-19.
Inanunsyo ni fomer Senator Jinggoy Estrada na ang ama nitong si ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada ay nag-positibo sa COVID-19.
Ani ng post niya, “Sa aking mga kababayan, Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking ama, na si dating pangulong Joseph Estrada, ay isinugod namin sa ospital kagabi sa kadahilanan ng panghihina ng kanyang katawan.”
Idinagdag nito na stable na ang kondisyon nito, at nanghihingi ng mga prayers para sa mas mabilis na recovery.
Noong Huwebes pa umano napansin ng ulirang anak ang panghihina ng ama. Madalas din umano ito mag-banyo at kalaunan ay sumama na ang kutob niya.
Ipinaswab test niya ito noon at lumabas naman na negatibo. Ngunit naging mas masama lamang ang kalagayan nito. Nabigyan siya ng payo na dalhin na sa ospital ang dating pangulo at doon nga nalaman na ito’y positibo.
Magiging mas mahigpit umano sila sa bahay at hindi na magpapabisita upang wala nang posibilidad ng COVID-19 transmission.