Inuudyukan ni Gov. Alexander Pimentel si Pangulong Duterte na patakbuhin ang mga ito sa parating na Halalan 2022.

Nagpahayag ng mensahe ang gobernador ng Surigao del Sur, si Gov. Alexander Pimentel, na patakbuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kaalyado nitong sila Mayor Sara at Sen. Bong Go upang masiguro ang pagpapatuloy ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Idinagdag ni Pimentel na kung ang mananalo sa parating na 2022 Halalan ay nasa labas ng mga kaalyado ni Duterte ay paniguradong mapatigil ang counter-insurgency program.

Sabi pa nito, “Maybe if someone else is already president, all of that will be removed. What will happen to us? There should be continuity. We should convince Inday Sara or Sen. Bong Go.”

Una nang nagpahayag ang Pangulo na hindi niya sinusuportahan ang ganitong move para sa anak, at nagsabi pa nga ito na ang pagka-Presidente, hindi para sa mga babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published.