Inspirasyon sa pagsisipag? Ang ‘etneb’ daw ni Yorme Isko!
Isang lalaki ang nag-viral matapos kumalat online ang mga litrato nitong nagbibida sa kanya at sa isang drum niyang punong-puno ng 20-peso bills.
Ang 22-year-old na si Gerdan Tolero ay nagdesisyong itabi at sikupin ang lahat ng 20 pesos na nakuha niya sa maraming business ventures na kinakaharap.
Nagsimula ang kwento ng kasipagan ni Gerdan sa pagiging biktima ng pamilya nila at ng iba pang 400 na pamilya sa napakalaking sunog na kumawala sa Happy Land, Tondo, Manila noong Abril 2020.
Ang kalamidad na ito ay nakita niya bilang isang oportunidad, at nagsimula siyang mag-benta ng mga malalaking drum sa mga kapitbahay na hirap pang mag-ipon ng tubig.
Habang patuloy siyang nagbebenta ng drum, bumili rin siya ng sidecar na naging pundasyon ng gulaman business niya. Sa ngayon may 4 na siyang gulaman sidecar franchises.
At ngayon, sa pagbebenta rin ng isda nakabuhos ang atensyon ni Gerdan dahil halos 2 oras nalang ang nakukuhang tulog nito. Magdamag na nakaabang sa Navotas Port, at matapos ay ilalako pa niya sa mga suki.
Nitong Enero lamang siya nagdesisyong gawing literal na coin bank ang isang 30-liter drum, at ito na nga ang nabida sa nag-viral niyang mga litrato.
Ang ina pala ni Gerdan ang nag-post nito, at kapwa nila hindi inasahang magva-viral ito.