Inilatag ng Senadora ang mga resibo, affidavit at screenshot ng Witness matapos niyang bumaliktad.
Inanunsyo ni Atty. Ferdinand Topacio na nagsampa sina Jaime Vegas at Mark Clarance Manalo, mga dating trabahador ng Pharmally, ng kasong conspiracy to commit sedition, subornation to perjury, offering false witness in evidence, at graft laban kay Ana Theresia “Risa” Hontiveros at sa kanyang staff na si Atty. Jaye Bekema sa umanong pagmamanipula nito ng imbestigasyon ng Senado sa Pharmally.
Ipinarating naman ni Senator Ana Theresia “Risa” Hontiveros na “laughable” at “futile” ang mga alegasyong ng Pharmally laban sakanya. Dagdag pa niya, ito ang paraan ng Pharmally upang ilihis sakanila ang atensyon at iwasan ang mga kasong kinakaharap nila sa SBRC.
Agad-agad namang iprinisenta ni Hontiveros ang mga ebidensya at resibong magpapatunay na walang anuman panunuhol o pananakot ang naganap. Makikita sa mga resibo na naunang nagpadala ng mensahe ang mga complainant sa senadora. Maliwanag sa kanilang pag-uusap na ang mga complainant mismo ang nag-alok sa kanilang sarili upang maging witness at ipamahagi ang impormasyon ukol sa kanilang mga nalalaman laban sa Pharmally.
Kabilang rin sa mga screenshots na inalukan pa ni Bekeme ng proteksyon si Almira upang masigurado ang kaligtasan ng kanyang buong pamilya. Bukod pa rito, nilagdaan rin ni Almira ang isang sworn affidavit na nagsasaad na hindi siya sinuhulan ng grupo ni Hontiveros.
Kaya naman, labis ang ipinagtataka ni Hontiveros kung paano pa nakakagawa ng mga ganitong alegasyon ang Pharmally sa kabila ng mga umaapaw na ebidensya laban sakanila. Tintiyak ni Hontiveros na hindi sila titigil hangga’t hindi pa naisisiwalat ang buong katotohanan at hindi pa napapanagot ang mga taong may kinlaman sa kaso.