Inihayag ng beteranang singer ang paghihirap ng 9 na respondents sa kaso at ang pagkadismaya niya sa mga politikong nakikisawsaw.

“Naubos ang pera ng mga bata dahil sa pagbibintang.”
“Mga batang galing sa mahirap na pamilya, mga BREAD WINNERS.”
Ang mga isinaad ni Claire Dela Fuente, ina ng isa sa mga respondents, dahil sa mabagal na pag-usad ng kasong Dacera. Si Christine Dacera ay isang flight attendant na namatay sa isang hotel room sa City Garden Grand Hotel noong January 1, 2021.
Ikinadismaya din ng beteranang singer ang pagsawsaw ng ilang pulitiko sa nangyari kabilang na rito sina Manny Pacquiao at Eric Yap na may pabuya para sa mga taong makakapagbigay impormasyon sa 9 na respondents. Nanakot din ang PNP na iha-haunt sila kung sakaling hindi susuko within 72 hours.
Ayon sa resulta ng medico-legal investigation ay namatay ang dalaga dahil sa aneurysm at ni-rule-out ang kasong homicide para sa 9 na respondents. Hanggang ngayon ay dinadanas ng mga respondents ang patuloy na pagkondena sa kanila ng publiko, sa kabila nito ay marami din ang naniniwala na walang foul play na nangyari at natural ang pagkamatay ni Christine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *