Inengganyo ng PDP-Laban si Pangulong Duterte na tumakbo pa-Vice President sa paparating na Halalan 2022
Ipinahayag ng kampo ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na ineengganyo nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang Vice President para sa paparating na Halalan 2022.
Nauna nang ipinahayag ni Duterte na sa edad niyang ito, siya ay pagod na at hindi magiging parte ng political scenery sa paparating na mga taon.
Walang legal impediments para sa VP bid ni Duterte, ngunit nagpahayag ang ilang mga Political Science figures na ito ay ‘circumvention’ ng term limits na itinala ng Konstitusyon.
Ani ni Jean Franco, isang political science associate professor ng University of the Philippines, “If we still call our country a democracy, we should have alternatives that people can choose from in an electoral contest.”