Inasinta ng mga netizens ang panlolokong ginawa ng press ni Duterte na nagpakita ng dalawang napakataliwas na mga pangyayari sa birthday celebration nito

Galit ang dala ng mga mensahe ng mga netizens para sa ika-76 na kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinalolokohan at inaasinta pa ng mga ito ngayon ang hindi pagsali ng lechon sa mga litratong ibinahagi ng mga opisyales na umattend sa event.
Noong Linggo nagbahagi ng mga litrato ang pinakamalapit na kaibigan ng Pangulo na si Senator Bong Go na nagpapakitang nakaupo ang celebrant sa harap ng kanin na tinarakan ng birthday candle.
Pero ang ikinagagalit ng mga netizens ay mula sa isang video ng event na inupload, at kalauna’y idinelete rin, ng isang tao na umattend ng event na nagpakitang ang lamesang inakalang walang laman ay punong-puno pala ng pagkain, kasali ang isang lechon.
Ani ng representative ng Bayan Mun ana si Ferdinand Gaite, “Acting poor for your birthday photo ops when you’re not really poor is just mocking those who truly have nothing to out on their tables for their own birthdays.”
Dinepensahan naman ito ni Go na nagsabing, “Simple lunch lang naman talaga. Sila-sila lang pamilya sa munting tahanan niya sa Davao. Ganun naman mag-birthday PRRD. Wala pa ngang bihis.”
Idinagdag naman ni presidential spokesperson Harry Roque na ang mga critics ng nangyaring party ay nagpapakita lamang ng ‘crab mentality.’
Sa buong termino ni Duterte bilang pangulo ay regular ang byahe nito mula Maynila pa Davao, na iginigiit ni Duterte na hindi burden sa government funds.
Ang lechon ay ikinagalit ng mga netizens hindi dahil sa mayroon nito sa selebrasyon, ngunit sa kung paanong ang mga litratong binahagi ni Go ay nanloloko sa mga nakakakita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *