Inanunsyo ni CabSec Nograles na inireready ang National Employment Recovery Strategy. Tutulongan daw nito ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya makahanap ng trabaho this year.
Cabinet Secretary Karlo Nograles inanusyo na naghahanda ang gobyerno tulungan ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya makabangon nitong taon. Magkakaroon daw ng Executive Order na may 2021-2022 National Employment Recovery Strategy. Ang layunin nito ay para matulungan makahanap ng trabaho at makarecover ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ayon kay Nograles gusto ng gobyerno suportahan ang mga gusto magnegosyo at mga nagnenegosyo na. Isa sa mga programa nila ang ifasttrack ang internet inter-connectivity sa bansa. Para turismo naman, nagtratrabaho sila na maslalong mababaan ang presyo ng Covid testing.