Inanunsyo ng UP system na ang executive vice president Dr. Teodoro Herboso ay umalis sa posisyon nito
Inanunsyo ng University of the Philippines system na ang executive vice president nito, si Dr. Teodoro Herbosa, ay umalis na sa posisyon.
Ang resignation nito ay matapos siyang makatanggap ng pangmalawakang batikos online patungol sa komento nito sa kamatayan ng senior citizen na pumila para sa community pantry na itinayo ni Angel Locsin.
Sa tweet niya, biniro nitong ang matanda ay dumanas ng “death by community pantry”, at ang kawalan ng delikadesang tweet na ito ay umani ng kritisismo mula sa UP community at ibang mga netizens.
Nag-public apology na siya sa sariling Facebook page at nagsabing, “I sincerely apologize for my tweet earlier today, tagging as ‘death by community pantry’ news of a senior citizen’s death at a community pantry of a celebrity. It may have sounded like aa criticism but was ill-judged, when many are facing hardships and being helped by these kind-hearted souls.”
Tinanggap umano ni UP President Danilo L. Concepcion ang resignation nito at nagpahayag na si Herbosa ay nagsilbi sa Unibersidad ng may malaking dedikasyon.