Inanunsyo ng religious group sa social media ang paglisan ng preacher nilang si Eli Soriano sa edad na 73 anyos.

Inanunsyo ng Members Church of God International sa kanilang Facebook post ang paglisan ng kanilang kapatid na si Bro. Eliseo “Eli” Soriano sa edad na 73 anyos.
“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo “Eli” Soriano – a faithful preacher, brother, father and grandfather to many.” MCGI via Facebook.
Naging kilala si Soriano sa kanyang paghost ng radio at TV program na “Ang Dating Daan” na nagsimulang i-air sa radio noong 1980. Makalipas ang tatlong taon ay naging television program ang kanyang show.
Pinanganak si Soriano sa Pasay City taong 1947 at lumaki sa Pampanga. Siya rin ang “Overall Servant” ng kanilang relihiyong simbahan and kilala siya sa kanyang bible expositions na kung saan tinatanong siya ng impromptu sa personal o via live streaming.
Kasalukuyang ini-air ang Members Church of God International, Ang Dating Daan sa higit 73 na mga bansa sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.