Inanunsyo ng PTV na iniimbestigahan nito ang malisyosong post ng Twitter account nilang sumali sa #DutertePalpak trend

Inanunsyo ng People’s Television Network (PTV) na iniimbestigahan na nito ang intent sa likod ng nangyaring malisyosong post na naglalaman ng pag-gamit ng #dutertepalpak.

Noong Martes ng 7:24 PM, nagtweet ang PTV ng “President Rodrigo R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.”

Ang hashtag na #dutertepalpak ay nag-trending online matapos ang pahayag ng Pangulo na mamimigay ito ng libreng masks sa publiko, isang taon matapos ang simula ng lockdown sa buong bansa.

Nanatiling viewable ang post ng 40 minutes bago ito binura, at kinumpirma ng media giant na Rappler na ito nga ay totoo dahil mayroon din silang mga screenshots nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *