Inanunsyo ng French Embassy na kasulukuyang may offering ng scholarship para sa mga pinoy na gustong mag-aral ng master’s o doctorate program sa France.
Nag-open ng scholarship program ang French Embassy para sa mga Pilipinong gustong mag-aral ng master’s at doctorate degrees sa mga pamantasan at unibersidad sa France. Ito ay naayon sa DOST’s Science Education Institute at nagbibigay focus sa larangan ng agrikultura, biological sciences, climate change, forestry, health and medical research, material sciences, natural sciences at iba pa.
Magiging libre ang mga scholars mula sa public university registration fees, round-trip ticket mula Manila at France, at bayarin sa visa application. Mabibigyan din ng monthly living allowance sa kabuuan ng pag-aaral, relocation allowance, coverage ng pre-travel expenses, health care package, at access sa public student accommodations.
Para pa sa ibang detalye ay pwedeng basahin sa PhilFrance Scholarships Program website ang kabuuang impormasyon.