Inanunsyo ng bagong telco brand na GOMO na mayroon na itong ‘no expiry’ data package sa halagang PHP 299 na may kalakip nang 30GB.
Ang bagong telco band na GOMO ng Globe ay nag-anunsyo ng bagong data package na regional exclusive sa ilang mga syudad ng Visayas at Mindanao sa paparating na ika-15 ng Marso.
Unlimited data para sa 30 araw sa halagang PHP 199 lamang ang inaalay nila.
Mas mura ang mga promo ng bagong telco na ito kaysa sa pinakamurang postpaid na inaalay ng Globe at Smart na nagkakahalaga sa PHP 600 at PHP 1000 ang buwanang data.
Ang unlimited data na inaalay ng GOMO ay hindi magca-cap sa halaga ng gigabytes na ginagamit ngunit ang connection speed ay lilimitahan sa 5 Mbps.