Inamin ni Robin Padilla ang split ng anak at bunsod ito ng pambababae ni Aljur!

Si Robin Padilla na ang nagsa-publiko sa balitang hiwalay na ang anak nitong si Kylie at asawang si Aljur Abrenica.

Third party umano ang sanhi ng hiwalayan ng dalawa, na nauunawaan naman daw ni Robin dahil aminado siyang makailang ulit na ring nangaliwa noon.

Ani ng aktor, “Meron daw e. E imposible ba ‘yun? Hindi naman imposible ‘yan. Eh lalaki ‘yan.”

Idinagdag pa niya na hindi siya naniniwalang may lalaking kayang tumanggi sa tukso ng pambababae.

Ipinaliwanag niya na ito kay Kylie, ngunit hindi umano masikmura ng anak ang pagtataksil ng asawa kaya hindi na siya nanghimasok pa.

Wala umanong balak makialam si Robin sa gusot ng dalawa dahil sila lamang ang makaayos nito.

Sinabihan niya rin ang dalawa na huwag nang magparinigan sa social media dahil makikita ito ng mga anak nila pagkalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published.