Inamin ng controversial social media personality na marami siyang responsibilidad sa buhay lalong lalo na sa kanyang pamilya.

Nagpost sa kanyang Facebook page si Xander Ford tungkol sa kinakaharap na pagsubok, patungkol sa kontrobyersyal na mga isyu at ang kawalan niya ng regular na trabaho. Kamakailan lamang ay inaresto ang binata dahil sa kasong isinampa ng kanyang ex-girlfriend.
“Sa totoo lang pinipilit ko kumain sa araw-araw kahit puro problema ang iniisip ko. Dahil isa ako sa libo-libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa Pilipinas eh,” pasimula ni Ford.
Inisa-isa ni Ford ang problema patungkol sa utang ng kanyang nanay at tatay na siya mismo nagbabayad. Mga gastos sa bahay, tubig, kuryente at pang-araw-araw na bayarin, pag-aaral ng kanyang kapatid at pamangkin. Hinaharap din ng binata ang kaso na isinampa ng dating kasintahan. At ang kawalan niya ng trabaho sa kasalukuyan. Hindi rin mawala-wala ang pangba-bash sa kay Ford na kanyang ikinalulungkot.
“Gusto ko makatulong makaipon, kahit konting panahon pa. Gusto ko matupad mga pangarap ko para sa aming pamilya,” dagdag pa ng internet sensation.
Sa huling parte ng kanyang Facebook post ay humingi ng chance si Ford sa mga tao upang makapagsimula uli at patawarin sa mga nagawa niyang kasalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *