Inakalang hindi marunong magbilang dahil laging mali ang bilang ng perang hawak, tinangay lang pala!
Viral online ang Facebook post ni Sherryl Anlap Tayhopon na nagbabahagi ng natuklasan niya sa mismong pader nila.
Paano ba naman kasi, nakasiksik sa sulok ng pader ang mga perang papel na natangay ng daga. Ayon kay Sherryl, naghabol siya sa isang dagang nakita sa loob ng bahay. Pumasok ito sa loob ng pader at hindi na nakita.
Hindi pa kontento, inilawan niya ang bahaging iyon ng pader at gulat lamang si Sherryl sa nakitang perang papel na dinala doon ng daga!
Nagdududa na raw si Sherryl dahil kahit anong bilang sa salapi’y laging nagkukulang ito, tapos daga lamang pala.
Ang mga perang nasira’y inaasahan niyang mapapalitan pa sa bangko.