Inabuso, nilagay sa loob ng isang sako at binitin patiwarik, at pinilit kainin ang sariling dumi upang piliting sabihin na siya ay miyembro ng NPA, ito ang dinanas ni Gurung dahil sa ATL.

Mayroon ulit isa pang Aeta ang nagpanawagan sa Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang kontrobersyal na batas na pinangalanang Anti-Terror Law o Republic Act 11479.

Ayon sa biktimang si Japer Gurung, siya ay binugbog, inilagay sa sako at binitin patiwarik, sinuffocate gamit ang plastic bag at usok ng sigarilyo, at pinilit kainin ang sariling dumi upang sabihin na siya ay miyembro ng New People’s Army.

Sa petisyong ito ay sinamahan siya ng kapwa Aeta na si Junior Ramos na naakusahang lumabag sa ARL matapos ang atakeng natanggap galing sa mga miyembro ng 73rd Infantry Division ng Philippine Army.

Ang dalawang Aeta ay mga magsasaka lamang na umalis sa kanilang tirahan bunsod ng isang labanan malapit sa kanila. Habang nasa evacuation, pinigilan umano sila ng mga sundalo sa pagpunta sa isang evacuation center para sa kanilang kaligtasan. Ngunit nagulat na lamang sila dahil mga miyembro umano sila ng NPA na gustong tumakas.

Dito na pumasok ang pangaabusong ginawa sa dalawa upang pilitin na sila nga ay miyembro ng NPA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *