Immigration officers din umano’y sangkot sa pagkaka-biktima nila?
Binulgar ni Risa Hontiveros nitong May 16 ang testimony ng isa sa mga biktimang OFW na na-traffick sa Syria na sangkot ang mga empleyado ng Bureau of Immigration sa pagkakatupad nito.
Ang mga mismong empleyadong ito ay kumita umano ng PHP 50,000 sa pagkaka-benta niya.
Sa isang video call kasama si Hontiveros isiniwalat ng biktima na nakaranas siya ng abuso, na underpaid pa siya, at laging nagtratrabaho ng extended hours sa 2 taon niya sa Damascus, Syria.
Bago ang buong insidente, nakipag-ayos umano ang ahente nito sa ilang mga Immigration officers sa ilang mga tagpo sa Robinsons Manila o Luneta Park. Noong araw na umano ng pag-alis niya pagliban ng bansa, binayaran ng ahente niya ng PHP 50,000 ang Immigration para pabayaan siyang makapunta sa ibang bansa.
Noong nasa byahe umano nalaman ni Alice na naloko siya at pinapaniwalang sa Dubai, United Arab Emirates siya papunta kahit na sa Damascus, Syria ang totoong destinasyon niya.
Ang pangako ng ahente na $400 na sweldo ay kalahati lang ang matanggap niya, at kapalit pa ito ng hindi makatarungang 10 AM – 3 AM na schedule niya. Kasama pa ang madalas na molestasyon at physical violence ng mga body guards ng pinagtratrabahuan niya.
Bilang tugon dito, nagpalabas ng pahayag si Hontiveros na, “Mukhang kasabwat na naman ang mga opisyal ng BI sa ilegal na kalakal. Lahat nalang ng puwedeng pagperahan sa airport, mukhang pinasok na ng mga korap na BI officers. Ilang mutation ng pastillas scam pa ang hindi natin alam?”
Ipinangako ni Hontiveros na siya mismo’y mag-rerequest sa BI na ilabas ang mga pangalan ng mga empleyadong nag-pabayang si Alice ay makapunta sa ibang bansa lalo na’t nilabag ng mga ito ang Anti-Trafficking in persons law ng bansa.