Imbes na physical card, digital vaccination ID card na ang gustong i-implement sa buong bansa! Pinagtratrabahuan na mismo ito ng DICT!
Ang proof ng pagkaka-bakuna ng isang tao laban COVID-19, gagawing digital na ng Philippine Government! Ito’y ipinaalam sa publiko ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Inanunsyo ni Nograles na ang Department of Information and Communications Technology ay nagtra-trabaho na sa pag-develop ng isang ‘common vaccination digital ID with QR code’ para sa mga mamamayan ng bansa.
Ani ni Nograles, “What we really want is a QR Code, digital. The digital vaccination ID card will be very important.”
Sa kasalukuyan, nag-iissue lamang ng cards and mga LGU ng bansa sa mga nakapag-inoculate na ng COVID-19 vaccines. Napapaloob dito ang impormasyon ng kanilang inoculation gaya nalang ng brand na ginamit, ilang doses na ang natanggap at kailan ito natanggap. Iba-iba ang disensyo kada syudad at munisipyo.
Kasali kasi ang Pilipinas sa lista ng mga bansang tinuloy ng World Health Organization (WHO) na nangangailangan ng standard protocol para sa isang ‘digital common vaccine passport.’
Sa ngayon daw ay inoobserbahan ng IATF ang mga vaccine passports ng ibang bansa, at may grupo na ang Department of Foreign Affairs ang nagsisimula na sa pagsisimmula ng sistema upang ma-verify ang vaccination passports ng mga galing sa ibang bansa.