Imbes na manatili sa Davao sa kasagsagan ng isang health crisis, bumisita pa ng Cebu at Zamboanga!

Umani ng kritisismo si Davao City Mayor Sara Duterte matapos ang isinagawa nitong pagbyahe sa Cebu at Zamboanga, sa kabila ng patuloy na pag-taas ng bilang ng COVID-19 cases sa Davao.

Ani naman ni Mayor Sara, ang mga pagbyahe niya raw ay sakop naman ng leaves of absence niya at na ang kanyang mga linggo ay inihahati sa pagitan ng kanyang trabaho bilang mayor, politics, at pamilya.

Ngunit marami ang galit dahil imbes na unahin ang posisyon niya bilang alcalde ng Mayor at makisama sa kanyang siyudad sa panahon ng health crisis, pinili pa nitong unahin ang pansariling mga kagustuhan, kahit na ba malayo pa ang eleksyon!

Nanindigan naman ito sa kanyang mga kapwa Dabawenyos na, “I assure all Dabawenyos that my strength as a Mayor is to take on several roles and ensure that work is carried out.

It is only my person who leaves the city 3 days a week and in my stead, you are with our Vice Mayor and the entire strength of all the departments of the City Hall to make sure that operations and services are uninterrupted.”

Mabuting ipuna na ang Davao ay nananatili bilang ‘high risk’ sa COVID-19 at may incidence rate ng 12.38% sa kada 100,000 population.

Idinagdag pa ni Sara Duterte na, “It is true that there is a pandemic but it will not suspend the filing of COCs in Octobe or postpone the elections on May 2022.”

Dito pa lang maipupuna kung ano ang prayoridad ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *