Imbes na importers ang bigyan ng suporta, dapat ang mga agricultural producers ng bansa ang pagtuunan ng pansin!

Nananawagan si Senator Grace Poe na ang Department of Agriculture (DA) ay dapat nang maglaan ng atensyon nito sa pagbibigay ng assistance sa mga magsasaka, mangingisda, hog raisers, at iba pang agricultural producers ng bansa imbes na ilaan ang efforts nito sa pagsusuporta sa importers.

Iginigiit ni Poe na, “We must improve the conditions of our farmers and help increase their productivity if we are to realize inclusive growth.”

Ipinaalala niya na sa ngayong pwede ulit magsara ang borders ng mga bansa, dapat umanong palawigin at pagtibayin ng Pilipinas ang sariling food production nito sa self-sufficient na pamamaraan.

Matatandaan na noong June 29 mayroong na-issue na memo ang DA na magbibigay ng grants na magkakahalaga ng PHP 5M para sa warehouses at cold storage facilities ng mga marginalized small farmers at fisherfolk na nabigyan lang ng aabot sa PHP 5,000 ayuda at pwedeng mangutang ng PHP 25,000 na babayaran pa nila.

Ani Poe, “Before we even talk about value adding, postharvest facilities, distribution and storage, farmers and fisherfolk must first be able to produce harvests that can be stored and distributed.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *