Ilang mga cabinet members at mga tauhan ng PSG ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Sa isang panayam sa radyo, kinumpirma ng Interior Secretary Eduardo Año na mayroon siyang mga kilalang cabinet members at mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na nabakunahan na ng bakuna.

Hindi pinangalanan ni Año kung sino-sinong mga indibiduwal ang nabakunahan na, pero diumano’y ito ay isinagawa sa ilalim ng Emergency Use Authorization (EUA).

Maaalalang hanggang ngayon wala pang bakuna ng kahit anong kumpanya ang nabigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ng EUA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.