Ilalagay ito sa concrete vault kung saan inilagay ang labi ni Kabang.

Ang memorial statue ng hero dog na si Kabang ay dumating na sa Zamboanga City upang patuloy na mabigyang pugay ang bravery at heroic deed na ginawa niya noong buhay pa siya.

Ito’y ginawa ni Kublai Millan at ilalagay sa isang concrete vault kung saan din inilagay ang remains ni Kabang mismo.

Ang estatwa ay ididisplay sa Barangay Pasonanca sa tabi ng estatwa ni St. Francis of Assisi na patron saint ng animals at veterinarians. Hinihintay nalang umano ang go signal galing sa LGU upang mailagay na ang estatwa.

Maaalalang si Kabang ay pumanaw noong May 17. Sumikat siya noong 2011 dahil tumalon siya sa harap ng isang motorsiklo upang maligtas ag anak ng kanyang amo at ang pinsan nito, dalawang batang babae.

Malaki ang naging pagbabago sa mukha niya, nawala ng tuluyan ang upper part ng mukha niya pero nabuhay pa rin si Kabang. Sumikat ang istorya niya na nagdala ng isang fundraising event para sa treatment niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.