Ikinalulungkot niya na hindi na-extend ang voter registration period dahil ito’y oportunidad sana lalo na ng mga nasa ilalim ng ECQ.

Ipinahayag ni Senator Risa Hontiveros ang pagkadismaya niya dahil hindi napagbigyan ang panawagan niyang palawigin ang voter registration period, bilang pagtutok na rin sa mga sitwasyon ng taumbayan sa harap ng ECQ.

Ani nito, “Ang haba ng panahon ang mawawala para sa mga potential first-time voters.”

Ngunit ipinuna rin nito ang proposal ngayon ng COMELEC na pahabain ang registration hours. Ani pa ni Hontiveros, “I welcome COMELEC’s proposal to provide longer registration hours, possibly even adding Sundays to their schedule, to somehow make up for lost time.”

Ngayon itinutuon ni Hontiveros ang atensyon sa panawagan niya sa mga first time voters na mag-pre register online upang mas mapabilis ang prosesong kakaharapin sa panahong sila’y makakapila na sa COMELEC offices.

Paalala ni Hontiveros sa lahat, “Huwag palampasin ang pagkakataong makilahok sa halalan sa 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *