Iginiit ulit ni Hontiveros na magbayad na ang Chinese government sa sinira nito sa West Philippine Sea
Nanawagan ulit si Senator Risa Hontiveros na bayaran na ng Beijing ang utang nito sa Pilipinas dulot ng paninirang ginawa sa resources at marine life ng West Philippine Sea na itinatayang nagkakahalaga sa PHP 800B.
Ani pa ni Hontiveros, “Time to pay up. Dati nang umayaw ang Chinese Embassy nang naningil tayo ng mahigit sa PHP 200B dahil sa paninira ng Tsina sa WPS mula 2013.
Huwag nating sanaying naabswelto na lang sila palago sa mga pang-aabuso nila sa ating bansa. Hinaharass na nga nila ang ating mga mangingisda, sinisira pa ang ating likas-yaman. Let’s not allow China to get away with this.”
Mayroong itinayang 350,000 na mangingisdang naapektuhan ng presensya ng China sa WPS. Mayroong PHP 231.7B nasirang reefs sa loob ng pitong taon, at nagkakahalagang PHP 644B na isdang hinuli mula pa 2014.
Idiniin ni Hontiveros na may legal na karapatan ang Pilipinas manghingi ng reparations dahil nagawa na ito ng Japan at USA para sa bansa.