Iginigiit ni Moreno na tatapusin nito ang mga proyektong nakalimutan na ng ibang adminstrasyon!
Tiniyak ni Francisco “Isko” Moreno Domagoso na bibigyang-pansin at tatapusin nito ang mga proyektong ipinangako ngunit tila nakalimutan na ng ibang administrasyon.
Ibinahagi nito sa mga magsasaka sa Tarlac na kung papalarin na mahalal sa posisyon ay tatapusin nito ang Balog-Balog Multipurpose Project na aabot sa dekada nang naantala.
Ang Balog-Balog Multipurpose Project ay proyektong pinangunahan ni Corazon Aquino sa taong 1988. Ito ay naglalayong makapagtayo ng dam na magsisilbing irigasyon ng tubig para sa sa 34,410 ektarya ng mga bukirin sa 10 munisipalidad ng Tarlac.
Tinatayang mahigit 23,000 magsasaka at kanilang mga pamilya sa mga bayan ng Capas, Concepcion, La Paz, Paniqui, Pura, Victoria, Ramos, Gerona, San Jose at Tarlac City ang proyekto upang makita ang pagpapabuti sa produksyon. Ngunit sa taong 2020, namataang 30% lamang sa kabuuang proyekto ang natapos.
Nadinig ni Moreno ang mga hinaing ng mga magsasaka kaya naman pinagsisikapan nitong mapatupad at matapos na ang mga proyektong ito upang hindi na sila mahirapan. Nais nitong mapataas ang produksiyon hindi lang para sa mga magsasaka, kundi pati na sa mga mamamayan at ekonomiya ng bansa.
Ani pa ni Moreno, “If we believe that food security is the number one threat to national security, then ang government hindi dapat maging kwidaw; dapat walang agam-agam na gumastos para masigurado na may makakain ang bawat Pilipino. And the only way to do that is to continue to listen on the situation nung mga nagpo-produce ng pagkain.”