Iginigiit ni Moreno na hindi siya “closet” candidate ng sinuman at tapat siyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon upang paglingkuran ang bayan!

Inuulit ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na walang katotohanan ang isyung kumakalat ngayon na siya umano ay isang “closet” o “secret” candidate ni PRRD. Iginiit niya na nagdesisyon siyang tumakbo sa pinakamataas na posisyon upang paglingkuran ang bansa at matulungan ang mga Pilipino.

Ayon sa pahayag nito sa Manila Bay press conference, ang mga alegasyong ipinapataw sa kanya ay hindi totoo. Ani pa ni Moreno, “I am Aksyon candidate under the Aksyon party. I am not a candidate of them because I disagree with them. Remember that? I agree only sa kasalukuyang administrasyon kapag pinapakinabangan ng taong-bayan.”

Ipinahayag din ng partidang Aksyon Demokratiko, na suportado nila ang pahayag ni Moreno na walang katotohanan ang mga paratang na ito sa kanya.

Ayon sa hepe ng partida na si Ernest Ramel, “Yan po ay malaking kasinungalingan. Kami po sa Aksyon Demokratiko ay hindi papayag na magpagamit sa ganyang klaseng mga moves or schemes ng kasalukuyang administrasyon.”

Maalala na ibinahagi ni Moreno noon na kaya nitong kalimutan ang pagkakaiba at makipagtulungan sa sinuman, mula man sa oposisyon o administrasyon, para sa kapakanan ng mga Pilipino at ng bansa. Hanggang ngayon, patuloy pa rin na tinutupad ni Moreno ang kanyang mga sinabi at nananatiling tapat sa paglilingkod sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *