“If you want me to die early, you must pray harder.”
Inatake na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kung sino man ang mga nag-kritisismo sa paglaho nito ng aabot sa dalawang linggo.
Ani niya sa kanyang online na lingguhang public talk, “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana.”
Idinagdag nito, Davao ang hometown niya at na malaya siyang umuwi rito kahit kalian lalo na’t ‘hindi siya gumagamit ng public funds sa byahe.’
Inasinta niya rin ang mga atake sa pinakaimportanteng aide niya na si Senator Bong Go na nagpakita ng mga litrato na siya’y nag-jog, at iba pang physical activities, na iniisip ng mga tao’y peke upang mapatahimik ang mga tsismis na malala na ang kanyang kalagayan.
Ani niya walang problema sap ag-eenjoy ng hobbies niya dahil wala naman siyang kinukuhang oras ng tao.
Idinagdag niya, “If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that.”