“If I could be an inspiration to the people through this film, then I’d be willing to help. I don’t need their money. I am not here to increase my bank account balance. I am here to serve and inspire.”

Isiniguro ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na wala siyang lihim na maitatago sa mga tao sapagkat sapagkat ang kanyang buhay ay isang ‘open book’. Ipinarating pa niya na hindi niya ikinakahiya ang kanyang mga nagawa sa Showbiz sapagkat masaya siya na nabigyan niya ng hustisya ang kanyang karakter.

Ibinahagi ni Moreno na ang pangunahin pakay niya sa kanyang pagtampok sa musical film na “Yorme” ay ang mabigyan ng inspirasyon at tulong ang mga tao. Pareho namang nasasabik ang dalawa niyang kasama sa pelikula na sina Xian Lim at McCoy de Leon na makita siya.

Binanggit naman ni producer Edith Fider na lahat ng kinitang pera ni Moreno sa pelikula ay ginawang donasyon para sa isang institusyon. Walang partikular na binanggit si Moreno kaya naman napagdesisyonan nila na ipamahagi na lamang ito sa University of the Philippines Film Instititute.

Agad naman itong kinumpirma ni Moreno at sinabi na hindi siya tumanggap o kumita ng kahit isang centavo magmula sa producers ng pelikula. “If I could be an inspiration to the people through this film, then I’d be willing to help. I don’t need their money. I am not here to increase my bank account balance. I am here to serve and inspire.” Pahayag ni Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *