Ibinunyag ng actor ang naging reaksyon ng kanyang asawa sa tambalan nila ni Lovi sa bagong show at todo suporta pa ito sa magandang opportunity.
Sa bagong show na pagtatambalan ni Rocco Nacino and Lovi Poe sa primetime series na “Owe My Love,” marami sa kanilang fans ang na-excite.
Naikwento pa ni Rocco na walang awkward moments na nangyari sa kanila ni Lovi at masaya ang naging experience nito sa set ng show.
“I was the one that had to make kapa, siguro ‘yun ‘yung term. Kinapa ko po lahat, kinausap ko po lahat. Marami po ako na first time ko po nakatrabaho.”
Ibinunyag din ni Rocco ang naging reaction ng kanyang asawa na si Melissa Gohing ng sabihin nito ang bagong project niya sa GMA.
“Nakita ko ‘yung suporta na meron ‘yung asawa ko para sa akin and it actually made me feel excited to work again, na ‘Uy haharap ako ulit sa character’ and nakita din niya na nagbabasa ako ng script and natutuwa siya,” dagdag ng aktor.
Sabi din ni Rocco na natutunan niya sa kanyang asawa na mag-open up at magsimula ng conversation kapag may nakaka-bother sa kanya. At being open is the key to their relationship.