Ibinahagi ng isang FB netizen ang liham na natanggap mula sa isang OFW na may nakalagay na “Help Me” sa harapan.

Pumutok sa Facebook ang post ng user na si Bente Otso matapos itong magbahagi ng isang liham na natanggap umano nito sa isang Filipina OFW.

Aniya, natanggap nito ang liham sa Tala Mall, Saudi Arabia. Ang sulat ay may “Help Me” sa pinakaharap at ang nakapaloob ay ang karumal dumal na sitwasyon nito sa harap ng mga amo.

Nagpakilala ang Filipina OFW bilang si Norjane Abid na galing Lun Padido, Malapatan, Saranggani Province.

Nagtratrabaho umano ito sa Riyadh ng 8 buwan pa lamang ngunit nagdusa na sa ilalim ng kanyang mga amo.

Umano, siya’y binubugbog ng mga ito at ni-rape pa ng lalaking amo at ng kapatid nito.
Kasalukuyan ding buntis si Norjane ng tatlong buwan.

Idinagdag nito na ang cellphone, passport, at ID nito ay kinumpiska ng among babae.

Nanghihingi ng tulong si Norjane at naghahangad naman ang nag-post na ang pag-viral nito ay makakatulong na siya’y maabutan ng tulong galing sa nararapat na ahensya ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *