Ibinahagi ng isang facebook user ang ginawang nakakataas-balhibong pananakot ng isang UV Express driver sa kanya.

Ibinahagi ng Facebook user na si Kevin Baldelobar ang nangyari sa kanya sakay ng isang UV Express ng mga 9:40 PM habang binabagtas ang Regalado Avenue, Quezon City.

Ayon kay Kevin, siya na lamang ang pasahero sa van ng oras na iyon, at pinagtanong na siya ng driver kung saan siya bababa.

Sinagot naman ito ni Kevin, at normal lang ang lahat. Nang magtanong ulit ang Manong Driver sa isang ‘Ate’ sa likod ni Kevin kung saan din ang destinasyon nito.

Umano’y sobrang takot na takot si Kevin dahil dito, at pinag-iisipan na ring tumalon mula sa sasakyan.

Ngunit sinundan naman daw agad ito ng Manong Driver ng, “Joke lang, Sir,” kasabay ng tawa.

Isa lamang itong biro ngunit hindi raw natatawa si Kevin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.