Ibabalanse ang health sector at economic need sa pagdedesisyon!
May bagong pahayag si Inter-Agency Task Force on COVID-19 co-chair Karlo Nograles para sa quarantine levels, partikular ng NCR+, ngayong darating na Hunyo.
Ani ni Nograles, “Kung kakayanin naman nating bumaba ang NCR Plus sa GCQ then so much more the better para mas maraming makapag-trabaho. We will make the adjustments depende sa classification kasi dito na pumapasok ‘yung balancing health and economy.”
Kinilala rin nito ang importansya ng pagkakaroon ng trabaho para malabanan ang systematic hunger, na isa rin sa mga programa ni Nograles.
Ang MECQ classification ng NCR+ ay valid lang hanggang MAY 14 ayon na rin sa decree ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinagdag pa ni Nograles na kung patuloy na masasailalim ang mga lugar sa MECQ ay dapat nang magbukas ng ibang industriya ang gobyerno upang mapayagan ang mas maraming labor force na magka-trabaho.
Ang assessments para sa quarantine level ay gagawin sa huling linggo ng Mayo.