Iba-iba ang sinasagot ng mga opisyal kung kailan nga ba dadating ang mga bakunang para sa Vaccination Plan sana ngayong Pebrero magsisimula.
Ang plano ng Pilipinas na pambansang inoculation program laban sa COVID-19 na magsisimula noong ika-15 ng Pebrero ay kwinekwestyon na dahil sa mga delivery delays ng mga bakuna.
Ayon sa Press Briefing ni presidential spokesperson Harry Roque noong ika-19 ng Enero, nabanggit umano ni Presidente Duterte na ang pinakamaagang pagdating ng mga bakuna ay 2 buwan mula noong Enero.
Ani naman daw ni Secretary Galvez, dadating ito pagka-Pebrero.
Ngunit kalauna’y ini-recall din ni Usec. Ignacio na ‘the earliest we can have the vaccines is about two months from now.’
Bilang tugon dito, nagpahayag si Sec. Galvez sa parehong briefing na ang earliest rollout ay sa Pebrero. Kinikinita umano ng gobyerno na darating na ang COVAX vaccine na Pfizer, at ang regalo ng China na Sinovac.
Ayon naman kay Vince Dizon, ang appointed testing czar ng bansa, ang ‘slight delays’ umano ng 117,000 Pfizer COVID-19 vaccines ay dahil ang Department of Health ay nagpro-proseso pa rin ng mga dokumento.
Ani naman ng WHO Philippines representative na si Rabindra Abeyasinghe na kahit na ang Pilipinas ay may kulang pang mga dokumento upang ma-schedule na ang pagpapadala ng mga bakuna, wala umanong delay sa delivery ng mga ito.
Matatandaan nating ang Sekretarya ng DOH na si Francisco Duque ay malawakang binigyan ng kritisismo sa kapalkapakan nitong nagdulot ng kawalan ng Pilipinas sa January delivery deal kasama ang Pfizer.
Binabalak din ng gobyernong mag-bakuna ng hihigit sa 70M adults ngayong taon, at magsisimula sila sa mga frontline health workers.