IATF co-chair Nograles said na willing sila magbigay ng advice kung papaano ang face-to-face campaign.

Nagpahayag si IATF co-chair Karlo Nograles na willing ang taskforce magbigay ng advice at tulong sa COMELEC kung paano mag-campaign para sa Halalan 2022. Subalit sabi niya hindi sila lalapit sa COMELEC. Ayaw daw nila ito pangunahan o mag-interfere sa pagdedecide kung anong klaseng campaign activities ang papayagan. Nirerespeto kasi ng IATF ang pagka-independent ng COMELEC.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez makikipagtulongan sila sa IATF para makapagdraft ng guidelines for campaign activities. Sabi niya pinag-aaralan pa nila kung magkakarestrictions sa face-to-face campaigns. As of now, mukhang gusto nila iencourage yung online campaign instead of in person activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *