Iaaalis sa bansa ang mga Pinoy matapos ang pamumuno ng mga Taliban sa Kabul, Afghanistan!
Ipinag-utos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas ang evacuation ng aabot sa 130 Pinoy na nasa Afghanistan matapos mag-collapse ang gobyerno nito’t nanguna ulit ang pwersa ng Taliban na ngayo’y nagko-kontrol na sa capital na Kabul.
Itinaas na ng DFA ang crisis alert level nito sa 4 dahil sa worsening situation ng bans ana nakikita nila bilang ‘large-scale internal conflict or full-blown external attack.’
Sa ilalim ng Alert Level 4, obligado ang Pilipinas na ilikas na ang lahat ng mga Pinoy sa bansa at kung pagbabasehan ang opisyal na tala ng DFA, aabot sa 130 ang mga Pinoy na nakatira dito.
Nagbigay ng assurance ang DFA na ang foreign posts nito ay ginagawa ang makakaya nito para makapag-bukas ng lahat ng paraan para makipagcooperate sa mga governments at international partners nito para masiguro ang agaran at ligtas na paglikas ng mga Pinoy.
Ang Philippine embassy sa Pakistan ay mayroong hurisdiksyon sa Afghanistan at ang mag-oversee sa repatriation ng mga Pinoy sa lugar.