“I want to protect my country, our countrymen’s interest, and prepare it for whatever is coming.”
Isinusulong ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang plano na papalakasin at papagtibayin nito ang Maritime relations ng bansa sa US. Ito ay upang maprotektahan ang bansa at mapahigpit ang maritime security and defense sa West Philippine Sea na sangkot sa matagal nang alitan sa China.
Ipinahayag ito ni Moreno nang bumisita ang United States Embassy Charge d’Affaires na si Heather Variava sa kanyang opisina matapos nitong inanunsiyo ang kanyang pagtakbo sa nalalapit na halalan sa May 2022.
Pahayag pa ni Moreno, “I want to protect my country, our countrymen’s interest, and prepare it for whatever is coming.”
“With the help of your forces, we would be able to strengthen our maritime defenses here in the Philippines,” dagdag pa niya.
Ipinahayag din ni Variava na sang-ayon siya at suportado niya ang mga planong ito ni Moreno. Si Variaya ay ang kauna-unahang foreign envoy na bumisita kay Moreno matapos nitong inanunsiyo ang kanyang pagtakbo.
Ani pa ni Moreno, “I want to protect the country, make it stronger, and position ourselves in the next 20 years so that such thing that happened in West Philippine Sea will not happen anymore in other remaining islands.”