“I think base sa post ko, it is very obvious na kami na ni Rico”

Inamin na ni Maris Racal na sila na ng dating frontman ng bandang Rivermaya na si Rico Blanco, at masaya umano siya sa relasyon nilang dalawa.

Napag-usapan ito sa digital press para sa paparating na 2 episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Pina-describe siya sa kung ano nga ba ang ‘real score’ sa pagitan nila ng musikero matapos siyang magbida ng mga posts na pinaghinalaan ng mga netizens na anunsyo ng relasyon nila.

Pahayag ni Maris, “Kami po ni Rico. I think basing po sa post na ginawa ko po, I think it’s very obvious. Right now, we are very excited and busy din. We are preparing such beautiful music together. Kaya abangan nila ‘yon soon.”

Si Rico ay 48 years old habang si Maris ay 23 sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.