“I need to breathe, collect myself, and gain strength.”

Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang desisyon nitong iwan muna ang pamilya at mga minamahal sa Pilipinas upang lumipat sa ibang bansa.

Sa isang Instagram post makikita ang emosyonal na pamamaalam niya sa asawa at mga anak, at may caption itong, “Praying and saying bye to my family.”

Matapos ang ilang oras, nagbahagi rin ito ng ilang litrato sa airport at proseso na dinaanan niya. Binigyan niya rin ito ng caption na, “Tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country.”

Mami-miss niya raw ang pamilya at mga fans ngunit, “I need to breathe, collect myself, and gain strength.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.