“I-isolate muna ang medical waste ng 3 araw bago itapon for segregation! Ut can be a carrier of the virus.”

Ang Greenpeace PH, isang environmental group, ay nag-urge sa publiko na ayusin ang pagtapon ng nagamit nang face masks, face shields, at iba pang medical waste ng maayos upang maiwasan ang risk ng COVID-19 transmission mula sa mga ito.

Inulit ni Marian Ledesma, ang zero-waste campaigner ng Greenpeace Philippines, na dapat i-isolate ang medical waste ng 3 araw at ilagay sa hiwalay na plastic bag.

Ani ni Ledesma, “I-isolate muna ‘yong PPEs bago mapupunta for segregation dahil it can be a carrier of the virus.”

Idinagdag niya na ang mga ito’y nagsisulputan na sa karagatan at nagdudulot ng sea pollution.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *